Friday, November 10, 2017




"Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo."- Mga Awit 84:10

Malapit nang sumapit ang ika-100 taon gulang ni Evangelist Billy Graham. Milyung-milyon katao ang lubos na nakakilala sa Panginoon dahil sa kanyang pangangaral. Sa aking estimate, siya ay nangaral ng Salita ng Diyos ng mahigit 50 taon sa 6 na kontinente ng mundo. Marahil siya na ang may pinaka maraming kaluluwang naakay sa kapanahunan natin. Ngunit kamakailan lamang ay may ibinahagi siya sa ating lahat tungkol sa kanyang biggest regrets o malaking panghihinayang sa loob nang 100 taon na buhay niya. 3 ang pinaka-pinanghihinayangan niya sa kanyang buhay.

Unang regret: Ang konti niyang panahon na iginugol sa kanyang pamilya. Aniya, marami siyang misyon pinuntahan na ang ibang ay kailangan pero marami din na lakad na hindi naman lubos na mahalaga compare sa ginugol niya kasama ng kanyang mahal sa buhay. "Everyday I was gone with my family is gone forever."

Kayo ba ay nakaka-relate sa kanyang patotoo?

Pangalawang regret: Mas mag-spend siya ng more time nurturing his spiritual life. He will spend more time to pray not only for himself but for others. He will spend more time sa pag-aaral ng Word of God not for sermon preparation para mai-apply niya sa kanyang buhay. Sapat na ba ang time natin sa prayer at God's Word?

Pangatlong regret: Mas Mag-spend siya ng more time for fellowship with other believers. Mag focus siya nang maigi sa fellowship ng mga kapatid para siya ay turuan, palakasin at sawayin kung kinakailangan. What a humble spirit.

Ang isang hindi niya pinanghihinayangan ay ang tanggapin ang panawagan ng Diyos upang maging evangelist of the Gospel of Christ.

Para sa atin, itong 3 bagay ang madalas natin isinasakrispisyo. Marami tayong matututunan sa kanyang 100 taong buhay na paglilingkod sa Diyos. 
  • Value personal Bible study time. 
  • Invest in the lives of other Christians. 
  • Nurture your family.

Featured Post

Good News of Great Joy

CHRIST STEWARDS FELLOWSHIP Libjo Central, Batangas City December 22, 2024 π‘Ίπ’†π’“π’Žπ’π’: Good News of Great Joy  𝑻𝒆𝒙𝒕: Luke 2:8-14 𝑺𝒑𝒆...

Popular Posts