Monday, December 17, 2018

Mga Practical Tips para Maging Masaya ang Inyong Pasko:





1. Ilista ang mga bibigyan sa Pasko. Bakit po bibigyan hindi tatanggapin? Kanino po bang birthday? Di po ba kay Hesus? "It is better to give than to receive."

2. Huwag mangungutang para lang may magastos. Mahirap nang maging masaya kung baon ka naman sa utang. Tandaan natin ang masasamang loob gumagawa ng kahit anong paraan para lang may maibili o maipaghanda. Tayo ay hindi kabilang doon.

3. Gawing spiritual time ang kapaskuhan- "Go out with your family to worship the Lord", iyan ang banal na pagtatago sa inaanak.😊

4. "Clean your conscience."- Magpatawad ng ikaw nama'y patawarin din. Ang prayer nga ng isang bata, "Forgive our Christmases as we forgive those who Christmases against us." 😊

5. Gawin ding "family time". Magandang sama-sama ang pamilya kahit na walang bago o maraming handa, ang mahalaga ay nagkakasundo. Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!

No comments:

Post a Comment

Featured Post

Good News of Great Joy

CHRIST STEWARDS FELLOWSHIP Libjo Central, Batangas City December 22, 2024 π‘Ίπ’†π’“π’Žπ’π’: Good News of Great Joy  𝑻𝒆𝒙𝒕: Luke 2:8-14 𝑺𝒑𝒆...

Popular Posts